PAG PAPALUGON NG MANOK

Magandang Araw, mga kaibigan at kasabong! Ikinalulugod ko, mga kabarkada, ang
muling paglalahad ng aking mga kaalaman tungkol sa pag-aalaga ng manok sa sikat at paborito nating
magasin ang BREEDERS and COCKERS MAGAZINE. Hangad kong makapagbahagi ng makabuluhang

TIPS na inyong magagamit lalung-lalo na sa panahon ng TAGLUGON. Ibabahagi ko sa inyo ang mga pinakamainam namga paraan para masabi na ang inyong mga alaga ay nasa mabuting kamayhabang sila’y nasa maselang kundisyonhabang naglulugon.

Isa sa pinakamahirap na yugto ng pag-aalaga ng manok ay ‘yung ito ay naglulugon o molting sa Ingles. Ang “molting” ay natural na pagpapalit ng

balahibo ng mga manok na tumatagal ng 3 hanggang 4 na buwan o higit pa. Kapag matured na kasi ang
balahibo ng manok, ito ay nagiging ‘dead structures’ kaya ito ay kusang naglalagas hanggang sa unti-unting
tutubo ang mga bagong balahibo. Nagmumula sa ulo, langas o pulok, pakpak, katawan
hanggang hita at buntot. Ang prosesong ito ay napakasakit para sa isang manok panabong lalung-lalo na sa panahong tumutubo na ang mga bagong balahibo nito. Ito ay nagsisimula bilang “blood
feathers” hanggang sa mabuo at maging ganap na balahibo. Ang manok na naglulugon ay maihalintulad sa taong
nilalagnat o may trangkaso. Very stressful ang ganitong sitwasyon para sa isang manok kaya kailangang arugain ito
sa tamang paraan. Ito ang ilang mahahalagang TIPS para maayos ang paglugon ng ating manok panabong.

ANGKOP NA KAPALIGIRAN

Ang cord walk natin ay dapat maluwag, malinis at maaliwalas. Malaking bagay na malaya silang
nakakagalaw. Piliin din ang lugar na mayroong magandang tubo ng damo o carabao grass. Dapat hindi malilim ang
lugar. Ito ay dapat may sapat na sikat ng araw. Importante rin na hindi mahangin para ‘di bugbog sa hangin
ang mga palugunin.

EXERCISE
Tandaan mga kaibigan, na mahalaga ang regular na ehersisyo para sa ating mga panlabang manok na nasa ganitong
estado. Bigyan sila ng ‘hand sparring’ dalawang beses sa isang linggo ‘yung tinatatawag na ‘catch cock’ exercises
sa cord mismo na walang handling. Sa ganitong paraan mai-stretch ang kanilang mga binti at pakpak at
mapanatili rin natin ang kanilang galit o ‘natural instinct’ sa kalaban. Tiyakna hindi mawawala ang kanilang gilas,
bilis at fighting style. Pero tandaan na huwag na huwag ninyong ibibitaw na aktuwal ang manok na lugon upang ‘di
masira o mabunot ang kanilangsariwang balahibo.

NUTRISYON
Huwag hayaang tumaba ang ating mga manok panabong habang naglulugon.
Bigyan sila ng tamang patuka na Kontra-Sapola’ at may tamang protina tulad ng SAGUPAAN HIGH
ACTION Maintenance Feed- 35-40 grams sa umaga 35-40 grams din sa hapon. Importanteng
turukan din ng .5ml ng SAGUPAAN COMPLEXOR 3000 every 15 days para sila ay tumibay at maging masigla
habang naglulugon. Dahil mula sa “blood feathers” ang mga balahibo, importanteng malusog ang red blood
cells ng inyong panabong. Makikita n’yo ang malaking kaibahan ng lugon na naka SAGUPAAN COMPLEXOR
3000. Mahaba at makapal ang balahibo sa katawan. Malapad at makunat ang buntot at pakpak… sa mga may extra
budget naman, makakatulong din nang malaki ang pagbibigay ng SAGUPAAN
SELECTROGEN para matugunan ang pangangailangan ng “Electrolytes at Multi-vitamins”.

KONTRA-PESTE
Kada buwan paliguan ang ating mga manok panabong gamit ang SAGUPAAN MITE-FREE para patay
ang hanip, kuto at red mites na peste sa balahibo at katawan ng ating mga alaga. Purgahin din ang mga manok gamit ang SAGUPAAN HAMMER DEWORMER o kaya ay SAGUPAAN XTRACTOR
DEWORMER para mapuksa ang lahat ng mga bulate nila. Huwag lang kakalimutan na sa lahat ng pagkakataon
hawakan natin sila, dapat alalay lamang upang hindi sila masaktan. Panatilihin
natin ang tapang, abilidad at lakas ng ating mga manok panabong, kaya,
alagaan natin sila nang tama. Mabuhay, kayo mga kasabong! Hanggang sa muli.