Magandang araw po sa inyo  “IDOL” Patrick, Ka-Chicken Tony, Boss Jorge, Boss Jolo, Doc Andrew at sa lahat ng mga bumubuo ng Sagupaan Superfeeds.

Gusto ko pong magpasalamat sa mga produkto nyo lalung-lalo na sa kwadro de alas. Mula 1990 ay nag bbreed na po ako ng manok panabong, at pag 2 buuwan na po ang mga sisiw ko ay isa-isa na po itong namamatay, madalas sa sipon, bulutong, at ang pinaka madalas ay coccidiosis o yung nag tatae ng dugo. Wala pa po ang Sagupaan noon kaya ang gamit ko pong mga gamot ay sa Sa ibat-ibang kumpanya, ngunit nangamamatay pa din po ang aking mga sisiw.  Dumami lang po ang aking palahi noong makapagpatayo na si IDOL Patrick ng Sagupaan Superfeeds, Mula ng gamitin ko po  ang kwadro de alas ay 100% na pong nabubuhay ang aking mga sisiw kaya sa tuwa ko po ay sinabihan ko po ang aking mga kaibigan at kabarkada na nagbbreed na gumamit ng kwadro de alas sa kanilang mga sisiw.

Ang tanong ko po Ka-Chicken Tony ay ito. May Broodcock po akong sweater na 2 years old. unti-unti pong lumalabo ang kanyang 2 mata hanggang sya po ay nabulag at sya po ay nalumpo at tuluyan ng namatay. Ano po kaya ang kanyang ikinamatay?

Sana po  Idol Patrick, Ka-Chicken Tony ay mapagkalooban nyo po ako ng broodcock o broodstag na sweater na magagamit ko po ngaung breeding season.

Nagpapasalamat po ako sa inyo ng buong puso “Idol” Patrick, Ka-Chicken Tony at more power po sa inyo at sa Sagupaan Superfeeds.

 

Gumagalang,

Jeamson F. Sy

Maharlika, Taguig City.