Jaime S. Hadlocon -Feb. 27, 2016

To Cong. Patrick “Idol” Antonio,
Magandang araw po Idol, ako po ay taga Angono Rizal, may manok po ako na nag (tatae) Paralized tapos ng maglugon at pina-inom ko po ng antibiotic pero hindi gumagaling at napaparalyzed yun. Ang tanong ko pokung bakit nangyayari yun sa winner ko na panlaban?

Lubos na Gumagalang.
Jaime S. Hadlocon

-Rome Jun Delantar -Feb. 27, 2016

Sir Tony,
Magandang Umaga po Sir tony, Sir Patrick. May mga broodhen po ako na isa ang bloodline, ginagamit ko po sila sa breeding pero po ang problema ko po e almost 60% e may crack ang itlog nila o kaya naman po e hindi makinis kaya mahina po ang production ko. Malapit na po ulit akong magpalahi. Sana po eh Matulungan nyo po ako sa problema ko. Gusto ko po sana maparami ang production ko kasi target ko po mag commercial.

 

Nagpapsalamat!!!,

Roj Delantar

FRANCISCO RAMIREZ -MARCH 5, 2016

To Cong. Patrick Antonio,
Kamusta kayong lahat Cong. idol and Sir Tony!!!

  1. panahon ng Tag-ulan at Taglugon, Pwede po ba akong magpakain ng 25% Ready To Fight 25% Winning line 50% king Cutter tama ba ito? makakatulong ba ito sa paglago at pag ganda ng kanilang mga balahibo?
  2. Tama bang i-force molt ang mga balahibo ng manok, bunutin ang mga pakpak at buntot nito?

Cong. Ber months na po, Maglalambing po sana ako sa inyo hihingi po sana ako ng Broodcock para sa pag ganda ng aking breeding.

 

 

Salamat po!!!

Francisco  Ramirez

 

Raven Calderon -March 5, 2016

Idol,

Ako po si Raven Calderon, naguumpisa lang po ako na magmanok, Gusto ko lang po malaman kubng paano masusulusyunan ang mga sisiw ko, lagi po kasing bagsak ang pakpak nila. Sir idol sana po magkaroon sana ako ng Winnilng Line.

Kasalukuyan po akong nag-aaral. Umattend po ako sa Seminar ng Sagupaan upang matuto po ako sa pag mamanok. Pasensya na po  panget and sulat ko at wala kaming envelop, ngaun lang din po ako naghabol sa sulat nito.

 

Nagpapasalamat,

Raven Calderon

-San Jose Delmonte, Bulacan.

Aldrin Junio - March 5,2016

Dear Sir Tony, Magandang Araw po sa inyo Sir Tony at idol  Patrick Antonio at sa Sagupaan TV Show. Ako po si Aldrin Junio,Taga Brgy. Dela Paz, Antipolo City, hilig ko na po mag-alaga ng manok simula noong bata pa ako, natutunan ko po ito sa lolo at tatay ko.

 

Meron po akong Katanungan tungkol sa aking manok:

 

  1.  Ano po ba ang ibibigay kong gamot sa alaga kong sampung buwan ang edad, dalawang linggo na po ang manok ko na namamaga ang manok, halos matakpan na po ang mata nya, mabubulag po kaya ang alaga ko?
  2. Kung magbabakuna po ako ng aking bagong pisang sisiw, pwede ko po ba na isabay ang pagbakuna ang one month old sa 2 weeks old na sisiw? Ano po ba ang tamang paraan ng pagbabakuna ng mga sisiw?

Sana po ay matulungan po ninyo ako. Maraming Salamat Idol.

 

Aldrin Junio

-09156901***

 

Teodoro G. Recide Feb. 20, 2016

Dear sir,
Magandang Araw po Sir sa inyo diyan, nais ko po lamang magtanong, Meron po kasi akong Tandang, Dalawang panalo na po, kaya lamang po ay pike. Sa kanan nga po ito nilalagyan ng tari, Breeding Season na po, kung gawin ko po bang broodcok ito ay posible po bang mag anak din ito ng pike?
Hanggang dito na lamang po at more power po sa inyo dyan sa Sagupan Superfeeds.

Salamat po!
Teodoro Recide

Judy J. Pagarigan -Feb. 20, 2016

Idol,

May manok po ako na kinukundisyon pero biglang naglugon, di ko na po  nailaban.

Problema ko po ay kapag tumutubo na ang mga pakpak, dalawa o tatlong pulgada ay bigla nalang itong nabubunot, may gamot po ba para dito? Kasi matagal na po mula noon di pa umaayos, halos dalawang taon na. At may inahin po ako na, mangingitlog ngayon tapos halos dalawang linggo ulit bago masundan, ano po ba ang puwedeng gamot dito? wala pa po kasi akong masyadong idea kasi po baguhan pa lang po akong sa pagmamanok.

Lubos na umaasa sa inyong tulong.

Judy J. Pagarigan

Jeamson Sy -Feb. 20, 2016

Magandang araw po sa inyo  “IDOL” Patrick, Ka-Chicken Tony, Boss Jorge, Boss Jolo, Doc Andrew at sa lahat ng mga bumubuo ng Sagupaan Superfeeds.

Gusto ko pong magpasalamat sa mga produkto nyo lalung-lalo na sa kwadro de alas. Mula 1990 ay nag bbreed na po ako ng manok panabong, at pag 2 buuwan na po ang mga sisiw ko ay isa-isa na po itong namamatay, madalas sa sipon, bulutong, at ang pinaka madalas ay coccidiosis o yung nag tatae ng dugo. Wala pa po ang Sagupaan noon kaya ang gamit ko pong mga gamot ay sa Sa ibat-ibang kumpanya, ngunit nangamamatay pa din po ang aking mga sisiw.  Dumami lang po ang aking palahi noong makapagpatayo na si IDOL Patrick ng Sagupaan Superfeeds, Mula ng gamitin ko po  ang kwadro de alas ay 100% na pong nabubuhay ang aking mga sisiw kaya sa tuwa ko po ay sinabihan ko po ang aking mga kaibigan at kabarkada na nagbbreed na gumamit ng kwadro de alas sa kanilang mga sisiw.

Ang tanong ko po Ka-Chicken Tony ay ito. May Broodcock po akong sweater na 2 years old. unti-unti pong lumalabo ang kanyang 2 mata hanggang sya po ay nabulag at sya po ay nalumpo at tuluyan ng namatay. Ano po kaya ang kanyang ikinamatay?

Sana po  Idol Patrick, Ka-Chicken Tony ay mapagkalooban nyo po ako ng broodcock o broodstag na sweater na magagamit ko po ngaung breeding season.

Nagpapasalamat po ako sa inyo ng buong puso “Idol” Patrick, Ka-Chicken Tony at more power po sa inyo at sa Sagupaan Superfeeds.

 

Gumagalang,

Jeamson F. Sy

Maharlika, Taguig City.

Junjun Gomez Pilaspilas -Feb 13, 2016

Dear Boss Tony,

Magandang araw po sa inyong malawakang programa sa Sagupaan.

Itatanong ko lamang po  sa inyo tungkol sa aking mga alagang manok na mayroong  sipon at halak. Kapag ginagamut ko po ay gumagaling na siya, Pagkatapos ay bumabalik ulit yung sipon nya, Ano po kaya ang dapat na gamot doon?

Marami pong Salamat.

Junjun Gomez Pilaspilas

Pagsanganhan, San Francisco, Quezon

Rudy Esperon -Feb. 13, 2016

Cong. Patrick “Idol” Antonio

Maligayang pasko at masaganang bagong taon sa inyong lahat na bumubuo ng sagupaan.

Bago po ang lahat ay nais ko po munang bumati sa inyo ng magandang tanghali. Ako po ay isang baguhan sa larangan ng pag-aalaga ng manok panabong at sabong, may roon po sana akong mga katanungan dito ukol sa mga sakit ng manok.

Question 1, Tuwing gabi umiikot po ako sa manukan ko iniilawan ko po sila isa-isa, may napapansin po ako sa manok ko laging tinutuka ang balahibo, hindi makatulog, maputla ang mukha, matamlay kumain. Ano po ang tamang gamot at patuka na ibibigay sa kanya?

Question 2, Ano ang pagkakaiba ng sweater 5000 dollar line bloodline sa sweater possum bloodline? saan sila puwedeng ipares na bloodline yung maturing early para mailaban ko sa stag?

Hanggang dito na lang po!,  more power and God Bless. Maraming Salamat po.

 

Lubos na gumagalang,

Rudy Esperon

-Pulong Banal, maturanoc uno, Guimba, Nueva Ecija.

Ricardo F, Fajardo -Feb. 13, 2016

Good day!

Idol, Share ko lang kung masasaulian pa po kaya ang alaga ko, nasabit sa hapunan ng patiwarik. Minamasahe ko po sya araw-araw, nilagay ko sa scratch pen para makakahig at makalakad. Nasaulian naman sya kaso yung issue po nya ngayon nagiisplit bigla yung paa. Ok naman  sa bitaw bigla lang po nagiisplit hanggang ngayon. Puwede pa kaya ito mailaban? Anu po kaya ang magandang gawin? Salamat po.

 

Lubos na Gumagalang,

Ricardo F. Fajardo Jr.

Brgy. Tabing Ilog, Marilao Bulacan.

Alberto Salut -Feb. 06, 2016

Dear “Idol ” Congressman Patrick  Antonio

Ako po si Alberto Salut, Taga Area-A, Camarin, Caloocan City, isang masugid na taga subaybay ng Sagupaan TV Show. Ang katanungan ko po ay, Lumobo ang mata ng manok ko at sobrang sipon, ano po ang gamot ang ibibigay ko?

Maraming Salamat po,

Toto Salut

Area-A Camarin, Caloocan City.

Florentino B. Bianco Jr. -Feb. 06, 2016

Magandang Araw po sa Sagupaan…

Tatlong taon na po akong nagbabackyard breeding. Gumagamit po ako ng Sagupaan Feeds. Maganda din po ang Resuslta ng breeding ko tuwing magbre-breeding ako.

Ang nagiging problema ko po  ay sa Stag tuwing mag puputol po ako ng tahid ng manok ko po. kasi po madalas kapag pinuputulan ko  po ang tahid  nila ay madalas po ay nagiging madugo po ang tahid nila at kung tapos ko na po sila maputulan ay marami parin lumalabas na dugo sa pinagputulan ng tahid nila at tumatamlay po sila. Tanong ko po kung anong gamot ng Sagupaan ang puwede kong gamitin para po hindi ma-stressed ang manok at hindi po mraming dugo ang lumalabas sa tahid ng manok.

Ano pong gamot ang maari kong ipainom kung puputulan ng tahid ang manok ko? Ano pong Sagupaan products ang maari ko pong gamitin sa mga manok ko?

Slamat po!!! more Power po sa Sagupaan Superfeeds!

 

Lubos na Gumagalang,

Florentino B. Biaco Jr.

Edgar O. Sumiga -Feb. 06, 2016

Dear Idol,

Magandang araw po sa lahat ng bumubuo ng Sagupaan Superfeeds.
Tanong ko lang po idol, ano po ba ang dis-advantage at advantage ng tinatawag nating battery type of breeding?

 

Maraming Salamat po Idol and more power!

Edgar O. Sumiga

-Bani Pangasinan